Sunday, April 5, 2009

Guns for the show, knives for the pro

NO lobotomy, trepanation or multiple heart bypass operation has been done with a gun. It takes a surgeon’s steady hand and a lancet plus an array of surgical cutlery to do such.

Sure, a gun is an extension of the wielder’s sense of perspective… or maybe, what passes for the toter’s field of vision or line of sight—never insight. In Tao Te Ching, the sage Lao-tzu had this to say: “Weapons at best are tools of bad omen, loathed and avoided by those of the Tao
.”

Hindi naman aasam ang gaya ko ng malalim na pang-unawa sa tulad ni Jose Velarde ukol sa katuturan ng sandata. Kahit sa pananandata. Lalo na kung laruang .50 caliber machinegun ang ipaparada sa pananaw ng balanang bobotante-- para kay Bolante, pero Joc-joc lang.

Nabanggit nga ng isang nakainuman na kung lumalaklak pala ng softdrink sa lata ang Velarde habang may katabing malakas na armas, dalawang kaso daw ang maisasampal—gun toting and can toting.

On second thought, bakit pa kakasuhan ang ganoong klase ng pulitiko na, kung paniniwalaan ang paham na Lao-Tzu, hindi naman talaga maka-Tao?

Ni hindi naman kagila-gilalas ang anumang ipuputak ng bunganga o ipuputok ng butse ng Velarde.

One “C.S.I.” episode I saw had a puny, scrawny-looking operative take on a serial killer: operative was told that the piece of metal he had at his quick-draw holster was nothing compared to what he had in his head—the more formidable piece of weaponry with an unimaginable array of uses.

And among small-arms fanciers, they’d tell it straight: “It’s not the gun, it’s the man.” Still media guru Marshall Macluhan saying the gun is an extension of its wielder’s perspective.

Teka: sisidlan ng tubig, batangan (salitang-ugat ng lalawigang Batangas), barangan (opo, ito ‘yung kahila-hilakbot na ugat ng mambabarang), bangan o banga ang khodam o kodam (ugat naman ng “kulam” na mula naman sa paniniwalang Hindu-Malay). Sa mga naturang imbakan ng tubig inilalagak ang mga mababangis na halimaw—djinn, genie, anito, batlaya, ferocious elementals, disembodied spirits… halimaw sa banga… sa mga ganoong sisidlan ikinulong daw ni Haring Solomon ang kung anu-anong impakto, maligno’t diyablo na ginawa niyang utusan.

Opo, ihinuhulog sila sa bangin ng bangan. O sa pinitpit, pinanday na himaymay ng bakal sa patalim—halimbawa’y ang hugis-balisungsong or cone-shaped blade na baling sungay o balisong (which reconfigures the fabled cornucopia or horn-of-plenty).

Lubusan nang masasagot ang pag-ungkat—at mahuhulaan na marahil-- ng isang katoto kung bakit mahigit sa tatlo ang balisong na aking iniingatan sa katawan.

Let’s just say the kept blades aren’t harbingers of bad omens. They’re something else.

Gayuma, rayuma, tagabulag, tagabulog

ISANG magazine na ang inubos sa kung anong medalyon—San Miguel daw-- nakabalot sa itim na lana, isinabit sa puno ng niyog, pinutukan nang sunud-sunod, walang sandipang layo… lumihis lahat ang isinukang punglo mula kalibre .45. Tanghaling tapat, Biyernes Santo, sablay ang mga itinakdang batas ng Newtonian physics… higit na umiiral ang himala ng quantum mechanics.

Buhay pa raw ang medalyon. Isasalba ang may taglay niyon sa buga ng bala… sa bala, hindi sa sakyod ng anumang patalim. Ganoon daw ang katangian ng San Miguel— lilihis ang bala, ililigtas ang “nagpakain” ng dasal sa kapahamakan. Parang alaga na pinapakain pala ng dasal sa araw-araw ang naturang dupil, agimat, mutya, anting-anting, o galing.

Kung ilang ulit din raw na nakaligtas sa pananambang ng NPA at MNLF ang may-ari niyong medalyon, isang sundalo na kung saan-saang lupalop ng bansa napadestino. Magaling na lalaki ang tawag sa kanya—may galing pala ang talagang katuturan ng “magaling.”

Pero sa ganitong panahon na ni hindi na pinapakain ng kahit ilang butil na dalangin ang sariling kaluluwa, hindi na nga uso ang dupil at anting-anting— hindi na tatalab ang alulong ni Bamboo Mañalac, “Hoy, Pinoy ako… may agimat sa dugo ko!”

Baka higit na tatalab pa nga ang kantiyaw ni Tsip Chao sa bansa ng mga alila—na umaamot sa $21 bilyon taunang mahahangong yaman-tubig sa mga kanugnog na karagatan ng Spratlys.

Aba’y kapag sagad-kaluluwa ang pananalig sa Lumikha ng sanlibutan, tiyak na tigmak na pagpapala at gantimpala ang isusukli sa mga sumasampalataya. Tiyak na iaadya sa mga tiyanak at maligno na naglipana sa Malacañang o anumang sangay ng pamahalaan. Maliligtas sa sadsad ng kabuhayan, salakay ng sakit at non-moderated greed, makakaiwas sa kabalbalan ng MMDA sa mga lansangan.

At sa igkas ng bigkas sa mga bigkis ng kataga na may katangian ng dalangin, iginiit nga ni Philip Kindred Dick (“Do Androids Dream of Electric Sheep”) na napagbabago ang mga himaymay ng umiiral na kalagayan.

Hindi man uso ang ganyang ilandang ng sariling wika’t pananalita—binaboy, binaklas at binakla na nga—talagang makalilikha pa rin ng himala’t hiwaga (thaumaturgy ang teknikal na taguri dito) mula sa mga dalangin na nakasandig sa matatag na pananalig.

Kaya hindi na kailanman tinangka na magpukol ng bungkos ng mga salita na panggayuma na nahalungkat sa iniingatang grimoire (pinag-ugatan ng grammar o balarila). Kasi: may dilag na binigkasan ng gayuma, tinamaan ng rayuma, mwa-ha-ha-haw!

At ang iniingatang galing sa tagabulag upang hindi makita, tuwing nauuntag ay nauuwi sa bisang kakaiba. Ang tagabulag, nagiging tagabulog…

Sa kasungitan ng alinsangan ngayong mga Mahal na Araw, natatayantang ang tigang nang pananampalataya. Ani nga ni Albert Einstein: “I want to know the thoughts of God; the rest are details.”

Saturday, March 7, 2009

अल्तितुदे...

Change altitude, change attitude

GOOD move. Living closer to earth left me open to a plague of idlers nosing in daylong. In Japan there’s respect for privacy, the oku in okuden or sublime simplicity of the highest level of skills.

Naipukol ang ganoong SMS sa katoto nitong nakaraang taon pa-- nabanggit na bumili sila ng kanyang kabiyak ng isang condominium unit sa Timog Avenue, Brangay Paligsahan sa Quezon City. Doon na sila maninirahan. Sa mismong puyo ng lunsod. Abot-kamay ang mga pagamutan, paaralan, pamilihan… samut-saring tanggapan, pati sa pagkukunan ng kabuhayan.

Mainam para sa walang patumanggang gawain sa maghapon ang ganoong yungib—walang asungot na sisilip-silip, nakatutok… magpupumilit sumagap ng kahit anong alimuom sa kalapit na bahay. Bumabalik lang tayo sa isang nakalipas na yugto ng kasaysayan, mga yungib ang pinipiling tahanan… ipipinid ang bunganga nito upang hindi mapasok ng mga ligaw na animal o manloloob.

Huwag ituring na nakabilanggo sa piniling sukat ng puwang. May mga sinaunang lihim na tradisyong monghe ang pagkukulong ng sarili. Payak ang marubdob na pakay: arukin at palawakin pa ang mga hangganan ng sariling kakayahan at pagkatao.

Hanggang sa makamit ang okuden, the sublime simplicity of the highest level of skills.

Change altitude, change attitude.

Iba ang sipat ng sisiw na nakasalagmak sa alikabok kaysa lawin na namamayagpag sa rurok.

Hindi sa unang palapag ng isang gusali sa Heidelberg, Germany walang humpay na nakipagkaramusa sa kanyang Musa si Dr. Jose P. Rizal upang mailuwal ang mga obrang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Nagkulong din sa kanyang yungib si Plato upang maglimi at mahimay ang matinong Republica.

Sa isang yungib sa kabundukan nilagom ni Miyamoto Musashi ang mga lihim na paraan sa pananandata at matagumpay na pakikipagpingkian ng talim at talisik, binuo ang Go Rin no Sho.

Tatlong taong nabilanggo ang isang hinahangaang jian or master of masters, si Kuo Yun-shen na lumikha ng tinatawag na “Demon Hand” o peng-ch'üan— dalawa lang ang matibay, hindi nagutay ni namatay sa napakaraming sumubok sa kanyang kakayahan…

Sumisikil, sumisikip ang guwang ng piniling yungib… but it’s not the space closing in on you, it’s you filling in and up and out the quantum of space of your choosing. Mumunti lang talaga ang mga puwang at guwang na pinupuno natin. Alam natin ang ipupuno doon.

Mas marami ngang utot lang ang ibubunton sa kani-kanilang puwang na tinuluyan: “Out of 58 million Filipinos, aged 10-64:
· 5.24 million could not read and write;
· 7.83 million could not read, write, and compute;
· 18.37 million could not read, write, compute and comprehend.”

We’ve clawed our way to the top, see. We’ve got prehensile hands and minds
. Abot-kamay ng isipan.

Tuesday, March 3, 2009

Libag at libog

SUMMA cum laude sa kanilang graduating class ang isang kawani ngayon ng isa sa mga gumigiring tandang na matindi ang pagnanasang lumapag sa Malacañang. That billionaire cockerel wasn’t even near the ten tops in their class-- he’d say without as much as a blink that the nation’s topmost learning institution won’t give you the street smarts, the savvy moves, even the gumption to torch a trail and leave sluggards and laggards behind.

Another summa whose sob story was shown on primetime television, she just made the top grade—she didn’t make sense, didn’t make love, make a dream come true or false. Pathetic. Primetime television tales like that point up my suspicions that local TV would rather celebrate dysfunction to entertain bored-to-the-debt viewers than loft up lives that edify.

Uh, quantum mechanics tells me that if you keep on looking into the abyss, the abyss looks back into you… becomes you… and that completes the interface. I’m setting my sights elsewhere. I’m a huge fan of Johannes Kepler’s insight, “Sight must learn from reason.”
Dahil naniniwala pa rin ako sa diwa ng salawikain, “Ang hindi lumingon sa lunggang pinanggalingan, hindi na talaga tinitigasan.

Talagang ang nanghihimasok—o hihimas-himas muna bago pumasok—mas nagkakamit ng tinatawag na insight o panloob na pananaw… say, the Graffenberg spot is hidden from plain sight. Kailangan talagang magkalkal.

I didn’t work my ass off for straight A’s in college—I was a sucker for D’s. To make a clean breast of it, I’m still a sucker for D’s, usually after taking off the corresponding cover size-D cup.

Ah, I was raking P300 a day in the only cropping season that I got to apply the know-how in agronomy in a spread of land much less than a hectare—and the minimum wage back then was P16 a day. But the efforts expended on coaxing crops to grow, flower and fruit wasn’t about making money.

It was all about my unbridled love affair with the soil
-- noon man at hanggang ngayon, masidhi’t naghuhumiyaw pa rin ang aking nadadamang makalupang pagnanasa!

That’s supposedly the least of symptoms of nationalism—a dirt-level love for the land. Because agriculture: agri = land, and “culture” is all about transforming the substrate material and its microscopic inhabitants comprising the soil into a living spread that nourishes and sustains life.

Agriculture is about tending to and investing meaning into life.

Pitak at tudling na lang sa pahina ng pahayagan ang binubungkal at pinagyayaman ko ngayon. Taglay pa rin ang nagpupumiglas, umaalpas na makalupang pagnanasa.

Kasi, may masasagap na libag at libog sa lupa.

मास मतिंदी दलंदन

Matindi ang dalandan kaysa pongkan
DAHIL sandamakmak ang sakit, salot, at samut-saring salanta ang sumasalakay sa dalandan—szinkom, ladu, o kahit dayap, suha’t iba pang kaanak nila sa mga bansang tropiko... Our plant crops are battle-tested, war-scarred veterans compared to their also-ran counterparts in the temperate zones.

Nope, those plant disease carriers don’t turn up zoonotic—o tatawid mula pananim ang mikrobyo’t virus para maghasik ng anumang karima-rimarim na lagim sa tao. Mapagpala ang Kalikasan—hindi kara-karakang nagluluwal ng genetically modified animal (GMA, pero hindi Gloria Macapagal Arroyo, hane?) na maaaring maging sanhi ng pangungurakot at iba pang masansang na hokus-pokus sa Malacañang.

Lumilitaw na mas masidhi ang pakinabang para sa kalusugan ng mga halaman nating napanday sa napakahabang panahon ng pakikipagsagupa sa napakaraming banta.

Under hostile growing conditions, tropic crops tough it out by producing certain defensive biochemicals… which turn out to be add-on nutrient components. Say, plant nutrients come in two broad categories:
•primary metabolites (fats, carbohydrates, amino acids or proteins and simple sugars), and
•secondary metabolites (phenolic acids, flavonoids, alkaloids and terpenoids.

Both tropic and temperate zone-grown crops turn up primary metabolites. It’s the tropic-grown toughies that turn up secondary metabolites-- defense compounds against the threats and outright assaults of innumerable diseases and stresses.

Mind you, it’s the organically grown crops that have to endure the slings and arrows of the outrageous tropics. They have to turn up an arsenal of such secondary metabolites, the better to withstand the incessant battles they go through.

Secondary metabolites: phenolic acids, flavonoids, alkaloids—aba’y ito ang mga tinatawag na anti-oxidants and phytochemicals. Body cell defenses
din ng tao...Para maiwaksi ang salakay ng mga samut-saring sasalanta sa ating katawan at isipan.

Nakalkal 'to sa isang 2004 medical treatise, Antiproliferative and Apoptotic Effects of Selective Phenolic Acids on T47D Human Breast Cancer Cells: Potential Mechanisms of Action na ang talagang tinutukoy ay pakikipagsalpukan ng phenolic acid kontra kanser sa suso...

Flavonoids: "Epidemiological studies have illustrated that heart diseases are inversely related to flavonoid intake. Studies have shown that flavonoids prevent the oxidation of low-density lipoprotein thereby reducing the risk for the development of atherosclerosis." (Panlaban daw kontra sakit sa puso—at stroke-- ang flavonoids.)

Hirit naman ng mananaysay, makata at dermatologist-military medical doctor Gottfried Benn: “Potent brains are not strengthened by milk but by alkaloids."

Sa huling tuusan, mas magaang sa bulsa ang presyo ng dalandan kaysa ponkan… mas mura ang suha kaysa grapefruit and Sunkist oranges… mas malutong ang bayabas kaysa mansanas.

Kaya dapat lang na tangkilikin ang sariling atin… lalo na sa panahong ito. Buy Filipino. Eat Filipina.

Thursday, February 19, 2009

तवग नग लमन-तियां

31 tawag ng laman-tiyan

PAKULO lang sa sikmura ‘to. Nais din naming mahalukay ang naging laman sa likaw ng inyong isaw—‘yung mga pagkain na isinalaksak na sa sikmura, nakasiksik pa sa puso.

Kasi’y apat ang pitak sa puso, kapara sa marupok na pakpak ng paru-paro’t mariposa—na sakaling mahuli’t bulungan ng hiling saka palalayain, ihahatid ang hiling sa Maykapal. Natutupad ang hiling na hinugot sa dibdib.

Narito ang ilang nilalaman-tiyan na dumantay sa atay, pumaypay sa lapay, pumuspos sa puso sapul kamusmusan:

1. Kaning lamig o bahaw na tila tinig, sinabawan ng maligamgam na gatas ng kalabaw at binudburan ng asin— mas sapak at tipid na agahan kaysa milk with cereals.
2. Murang tangkay ng pungapong—tinalupan, hiniwa-hiwa, tinimtim (simmered in low heat) sa binantuang bagoong (watered down fish sauce), murang siling pansigang, at santol.
3. Tinolang palakang-bukid, sagana sa luya’t dahong sili—at dahil samut-saring kulisap sa palayan at parang ang nilantakan at naging bahagi sa laman ng palaka, mayroong tinatawag na Korean bug at Spanish fly effect ang naturang putahe. Umaantig sa puso at puson.
4. Talbos ng saluyot, tinimtim sa binantuang bagoong at tuyong tagunton o mumunting hipon.
5. Ensaladang bulaklak ng katuray.
6. Ensaladang bulaklak ng madre de cacao o kakawate.
7. Ensaladang bulaklak ng mangga, kamatis, lasona’t binudburan ng bagoong alamang at paminta.
8. Ensaladang talbos ng pako (fiddlehead fern) at inihaw na talong.
9. Inihaw na katutubong paltat o hito—ginintuan ang kulay ng tiyan—na may sawsawang katas ng nilagang murang sampalok, bagoong, at sili.
10. Pinangat na lukaok o ayungin—silver perch—sa murang talbos ng sampalok o alibangbang.
11. Tinimtim na kamatsiling mamangkal (guamachil)—ito ‘yung mapakla— bulaklak at murang bunga ng malunggay sa binantuang bagoong at kamatis.
12. Tsamporado mula bagong tableya, sinabawan ng gatas ng kalabaw, may katambal na inihaw na tuyo o binitad (daing na tinuhog sa kawayan) na ayungin.
13. Bangus na isinigang sa burong labong (young bamboo shoots).
14. Burong talangkang pehe (freshwater crabs culled off rice paddies).
15. Ginataang susong pilipit sa kangkong o pako’t siling labuyo.
16. Sinigang na talangkang katang (freshwater crabs culled off creeks and rivers).
17. Sinigang na kanduli sa bayabas.
18. Adobong kasili (freshwater eel) sa alagaw, luyang dilaw, gata, at tausi (salted black beans).
19. Pesang dalag na may luya, petsay at sawsawang ginisang miso (fermented soybean paste).
20. Kilawing labanos—sweetbreads simmered in chopped radish and palm vinegar, seasoned with black pepper and a dash of oregano.
21. Buroilos o ginataang bilu-bilo (glutinous rice balls).
22. Burudibud (a version of pinakbet with peeled malunggay fruits and alocon (himbabao) flowers, sweetened a tad with diced camote).
23. Suwam na mais (a puree of grated young corn kernels) na may hibe (dried shrimps) at talbos ng sili.
24. Paksiw na tawilis (freshwater sardine caught in Taal Lake) na binalot sa talbos ng balinghoy (cassava).
25. Kinalangkang na dumalaga (pullet kneaded over with rock salt and pepper, steamed on a bed of ginger, lemongrass bulbs and shallots, drizzled over before serving with dayap juice).
26. Sinabawang miswa (thin rice noodles) na may patola’t hibe.
27. Malakampit na sampalok at bagoong alamang, pinasingawan sa kaning bagong inin.
28. Ginisang dahon ng ampalaya’t hinimay na tinapa
29. Tinuktok—a version of laing with chopped shrimps and pork belly wrapped in dried taro leaves and cooked in coconut cream.
30. Kabuteng mamarang (wild oyster mushrooms) sa luya— ambrosial yet elemental cookery!
31. Kinunot na pagui— chunks of manta or devilfish stewed in coconut cream and spices—tons of ginger, horseradish roots and leaves, red hot chili peppers, oregano, and black pepper.

आत्म न बिगास

Salamat sa itim na bigas

LIRIT o mayuming ambon sa tag-araw ang padala ng katotong Jonathan Mayuga—dalawang kilo ng itim na bigas, ginapas mula sa kung saang mga pitak at banus sa Bulakan mula mga binhing sininop sa Benguet.

Kung ilang ulit din kaming nagpalitan ni Mayugs ng e-mail hinggil sa bigas. Wala kasing mahahalungkat na anumang tala sa itim na bigas. Higit ngang kilala ang pirurutong o kulay lilang bigas na nililigis, itatayantang at pasisingawan—puto bumbong! ‘Kako’y kahit sa kasagsagan ng pakulong krisis upang umalagwa ang presyo ng bigas, tahimik lang ang kinaaniban kong Yahoo group na nakatutok sa mga usapin sa bigas.

‘Kako’y higit akong interesado sa mga binhi, lalo na iyong pinitas lang ang mga uhay. Kahit na tarundon, mga butil sa pangalawang pamumulaklak ng ginapas na palay.

Karaniwang alay na kasi sa ibon—mayang pula, mamindita, pugong subsob at tikling-- ang mga butil sa tarundon. Pero may mga musmos na tahasang magtitiyagang pumitas ng mga tarundon—kahit kasi isa o dalawang gatang lang ang mahuhunos o makikiskis na bigas mula tinipong palay, laman-tiyan pa rin.

‘Kako’y ibig kong magpalaki ng kahit ilang puno—kahit hindi biro ang magtanim ng Oryza sativa, at lalong hindi biru-biro kung sanglan sakote ang tatamaan sa pagtatanim ng Cannabis sativa.

Sa mga kuwentong bayan, itinuturing na pagkain ng mga duwende, anito, lambana, batlaya, diwata’t engkanto ang itim na bigas… mahahalungkat na rin sa mga alamat na kapag nakisalo ang mga naturang nilalang sa hapag-kainan ng sinumang naghanda ng kahit munting piging, karaniwang susuklian nila ang kabutihang loob ng mga butil ng ginto at mamahaling hiyas… o magkakaloob sila ng dagdag na suwerte sa kabuhayan.

Ilawang timsim sa payak na tahanan ang tinutukoy ng bugtong, “Sambutil na palay, sikip ang buong bahay.” Butil naman ng liwanag mula sa araw ang pinagmulan ng mga unang binhi ng palay, ayon sa alamat ng mga Hapones, ipinamudmod ni Amaterazu-o-Kami (ang pangunahing bathala ng paniniwalang Shinto).

Malilimi na talagang nakabigkis sa liwanag ang butil ng palay— na ang ipa o chaff ay silicate material, the stuff that goes into silicon photovoltaic cells or solar power panels.

Puso, utak, sikmura’t laman-loob naman ang silicon microchip sa laptop or desktop PC—na pangunahing kasangkapan sa araw-araw na pamumuhay, kabuhayan at hanapbuhay sa umiiral na “Age of Information and Communication Technology.”

Anyo ng asukal ang glucose na taglay ng butil ng bigas—iyon ang asukal na pantustos na gatong o pampaliyab sa liwanag ng utak (na kapag hindi naman madalas na isinalang sa masinsinang paglilimi, nagiging katotohanan ang tayutay o idiom na “abo ang laman ng utak…”)

Sa ganyang pagtutuos, hindi na maturol kung alin na sa ngayon ang butil na igagatong sa liwanag ng isipan at ang ipa na may sangkap upang makahango ng enerhiya mula sa liwanag ng araw…

Kakawing, laging nakaugnay at karugtong ng liwanag ang palay.

Uulitin namin ang taos na pasasalamat kay Mayugs. At sa tagapamahagi ng itim na bigas, Go Organic! Philippines—mauugnayan sila sa 63917-521-2210-- sa kanilang makahulugang handog sa tulad naming engkanto’t engkantado nitong nagdaang Araw ng mga Puso… pero huwag na ninyong namnamin ang masarap na engkanto’t…

Mwa-ha-ha-haw!